file calculatingfinalgrade.html was added on branch MOODLE_15_STABLE on 2005-06-03 17:17:12 +0000
This commit is contained in:
@@ -1,71 +0,0 @@

Ang Pagkuwenta ng Huling Marka

Ipinapakita ng manghad sa screen na ito kung paaano kinuwenta ang

huling marka ng mga mag-aaral. Ang huling marka ay tinimbangang kabuuan

ng hanggang limang piyesa.

Ang markang ibinigay ng guro para sa mga ipinasa nilang gawa.

Opsiyonal ito at gagamitin lamang kung talagang tinasa ng guro ang gawa

ng mag-aaral. Kapag nagpasa ang mag-aaral ng mahigit sa isang gawa, ang

"pinakamahusay" na marka ang gagamitin. Dito, ang ibig

sabihin ng pinakamahusay ay ang gawa na may pinakamataas na tinimbangang

kombinasyon ng marka ng guro at marka ng kapwa mag-aaral...

Ang average ng mga marka ng kapwa mag-aaral para sa ipinasa nilang

gawa. Gayundin, kung ang mag-aaral ay nagpasa ng mahigit sa isang gawa

ang "pinakamahusay" na marka ang gagamitin. Puwedeng kasama

ang markang ibinigay ng guro sa marka ng kapwa mag-aaral, puwede ring

hindi. Maaaring isama ang markang ito kung ang bilang ng marka ng kapwa

mag-aaral ay masyadong mababa o pinaghihinalaang may bias (karaniwan

ay masyadong mataas) ang marka ng kapwa mag-aaral o hindi ito reliable.

Kapag isinama, ang markang ibinigay ng guro ay tinatrato nang tulad ng

markang ibinigay ng kapwa mag-aaral sa pagkuwenta ng katamtaman.

Ang bias ng mag-aaral sa pagmamarka ng gawa ng ibang mag-aaral.

Sukat ito ng kung masyadong mataas o masyadong mababa ang ibinigay ng

mag-aaral sa gawa. Hindi ito absolutong sukat, dahil nakabatay ito sa

kaibhan ng marka ng mag-aaral at ang katamtaman ng mga markang ibinigay ng

kapwa nila mag-aaral para sa bawat isang ipinasang gawa na tinasa nila.

Sa karaniwang sitwasyon, HINDI dapat bigyan ng mabigat na timbang ang

piyesang ito.

Ang reliability ng mag-aaral sa pagmamarka ng gawa ng ibang

estudyante. Sukat ito ng kung gaano kahusay nasusundan ng marka nilang

ibinigay ang katamtaman ng mga markang ibinigay ng lahat ng mag-aaral sa

bawat gawang tinasa nila. Idinidiskwento sa sukat ang bias ng mag-aaral

at kinukuha ang katamtaman sa pagitan ng absolutong diprensiya ng marka nila,

at ng katamtaman na marka ng mga kapwa mag-aaral. Sa teoriya, kung ang mag-aaral ay

magbibigay ng mataas na marka para sa magagaling na gawa at mababang

marka para sa mahihinang klase ng gawa, ang reliability nila ay magiging

mataas. Kung may hinala na ang mga mag-aaral, sa kabuuan ay mahina sa pagtatasa,

dapat isama ang marka ng guro sa katamtaman ng mga marka ng kapwa mag-aaral.

Gagawin nitong mas makabuluhan ang halaga ng reliability.

Ang katamtamang marka na ibinigay ng guro para sa pagtatasa ng

mag-aaral. Kasama rito ang naunang pagtatasa na ginawa ng mag-aaral sa

mga sampol na gawa at anumang markang ibinigay ng guro sa mga

pagsusuring ginawa sa hakbang na "pagtatasa sa kapwa mag-aaral" ng

takdang-aralin. Sa karaniwang sitwasyon, ang piyesang ito ay maaaring

mas mahalaga kaysa sa Bias at Reliability at samakatwid, kung gagamitin,

ay dapat bigyan ng mas mabigat na timbang.

Maaaring baguhin ang timbang ng limang piyesang ito ayon sa kung

ano ang naaangkop sa takdang-aralin. Halimbawa, ang markang ibinigay ng

guro ay maaaring pabigatin kung ang pagmamarka ng mga mag-aaral na

bahagi ng takdang-aralin ay itinuturing na maliit lamang na bahagi ng kabuuang

takdang-aralin. Sa kabilang banda, kung ilan lamang sa mga ipinasa ang

minarkahan ng guro, maaari nang balewalain ang mga ito sa pamamagitan ng

pagbibigay sa mga ito ng timbang na sero. Kung ang takdang-aralin ay

tungkol lamang sa pagiging hurado ng mag-aaral at sa pagbibigay nila ng

mga puna, ang unang dalawang piyesa ay puwede nang iset sa sero (o

magaang) at ang kakayanang magmarka ng mga mag-aaral ang magpapasiya sa

mga huling marka.

Tandaan na ang screen na ito ay paulit-ulit na ginagamit at ang

huling marka ay hindi karaniwang ipinapakita sa mag-aaral hanggat hindi

dumarating sa huling hakbang ang takdang-aralin. Kapag okey na sa guro

ang mga huling marka at ang pagtitimbang sa mga ito, maaari na itong

ipakita sa mga mag-aaral.

Reference in New Issue
Block a user