diff --git a/lang/tl/help/workshop/calculatingfinalgrade.html b/lang/tl/help/workshop/calculatingfinalgrade.html
deleted file mode 100644
index 3327e5d3063..00000000000
--- a/lang/tl/help/workshop/calculatingfinalgrade.html
+++ /dev/null
@@ -1,71 +0,0 @@
-
Ang Pagkuwenta ng Huling Marka
-
-Ipinapakita ng manghad sa screen na ito kung paaano kinuwenta ang
-huling marka ng mga mag-aaral. Ang huling marka ay tinimbangang kabuuan
-ng hanggang limang piyesa.
-
-
-- Ang markang ibinigay ng guro para sa mga ipinasa nilang gawa.
-Opsiyonal ito at gagamitin lamang kung talagang tinasa ng guro ang gawa
-ng mag-aaral. Kapag nagpasa ang mag-aaral ng mahigit sa isang gawa, ang
-"pinakamahusay" na marka ang gagamitin. Dito, ang ibig
-sabihin ng pinakamahusay ay ang gawa na may pinakamataas na tinimbangang
-kombinasyon ng marka ng guro at marka ng kapwa mag-aaral...
-
-- Ang average ng mga marka ng kapwa mag-aaral para sa ipinasa nilang
-gawa. Gayundin, kung ang mag-aaral ay nagpasa ng mahigit sa isang gawa
-ang "pinakamahusay" na marka ang gagamitin. Puwedeng kasama
-ang markang ibinigay ng guro sa marka ng kapwa mag-aaral, puwede ring
-hindi. Maaaring isama ang markang ito kung ang bilang ng marka ng kapwa
-mag-aaral ay masyadong mababa o pinaghihinalaang may bias (karaniwan
-ay masyadong mataas) ang marka ng kapwa mag-aaral o hindi ito reliable.
-Kapag isinama, ang markang ibinigay ng guro ay tinatrato nang tulad ng
-markang ibinigay ng kapwa mag-aaral sa pagkuwenta ng katamtaman.
-
-- Ang bias ng mag-aaral sa pagmamarka ng gawa ng ibang mag-aaral.
-Sukat ito ng kung masyadong mataas o masyadong mababa ang ibinigay ng
-mag-aaral sa gawa. Hindi ito absolutong sukat, dahil nakabatay ito sa
-kaibhan ng marka ng mag-aaral at ang katamtaman ng mga markang ibinigay ng
-kapwa nila mag-aaral para sa bawat isang ipinasang gawa na tinasa nila.
-Sa karaniwang sitwasyon, HINDI dapat bigyan ng mabigat na timbang ang
-piyesang ito.
-
-- Ang reliability ng mag-aaral sa pagmamarka ng gawa ng ibang
-estudyante. Sukat ito ng kung gaano kahusay nasusundan ng marka nilang
-ibinigay ang katamtaman ng mga markang ibinigay ng lahat ng mag-aaral sa
-bawat gawang tinasa nila. Idinidiskwento sa sukat ang bias ng mag-aaral
-at kinukuha ang katamtaman sa pagitan ng absolutong diprensiya ng marka nila,
-at ng katamtaman na marka ng mga kapwa mag-aaral. Sa teoriya, kung ang mag-aaral ay
-magbibigay ng mataas na marka para sa magagaling na gawa at mababang
-marka para sa mahihinang klase ng gawa, ang reliability nila ay magiging
-mataas. Kung may hinala na ang mga mag-aaral, sa kabuuan ay mahina sa pagtatasa,
-dapat isama ang marka ng guro sa katamtaman ng mga marka ng kapwa mag-aaral.
-Gagawin nitong mas makabuluhan ang halaga ng reliability.
-
-- Ang katamtamang marka na ibinigay ng guro para sa pagtatasa ng
-mag-aaral. Kasama rito ang naunang pagtatasa na ginawa ng mag-aaral sa
-mga sampol na gawa at anumang markang ibinigay ng guro sa mga
-pagsusuring ginawa sa hakbang na "pagtatasa sa kapwa mag-aaral" ng
-takdang-aralin. Sa karaniwang sitwasyon, ang piyesang ito ay maaaring
-mas mahalaga kaysa sa Bias at Reliability at samakatwid, kung gagamitin,
-ay dapat bigyan ng mas mabigat na timbang.
-
-
-Maaaring baguhin ang timbang ng limang piyesang ito ayon sa kung
-ano ang naaangkop sa takdang-aralin. Halimbawa, ang markang ibinigay ng
-guro ay maaaring pabigatin kung ang pagmamarka ng mga mag-aaral na
-bahagi ng takdang-aralin ay itinuturing na maliit lamang na bahagi ng kabuuang
-takdang-aralin. Sa kabilang banda, kung ilan lamang sa mga ipinasa ang
-minarkahan ng guro, maaari nang balewalain ang mga ito sa pamamagitan ng
-pagbibigay sa mga ito ng timbang na sero. Kung ang takdang-aralin ay
-tungkol lamang sa pagiging hurado ng mag-aaral at sa pagbibigay nila ng
-mga puna, ang unang dalawang piyesa ay puwede nang iset sa sero (o
-magaang) at ang kakayanang magmarka ng mga mag-aaral ang magpapasiya sa
-mga huling marka.
-
-Tandaan na ang screen na ito ay paulit-ulit na ginagamit at ang
-huling marka ay hindi karaniwang ipinapakita sa mag-aaral hanggat hindi
-dumarating sa huling hakbang ang takdang-aralin. Kapag okey na sa guro
-ang mga huling marka at ang pagtitimbang sa mga ito, maaari na itong
-ipakita sa mga mag-aaral.
-
\ No newline at end of file