36 lines
2.0 KiB
HTML
36 lines
2.0 KiB
HTML
<p style="text-align: center"><b>Ang Antas ng Lagpas na Alokasyon</b></p>
|
|
|
|
<p>Itinatakda ng antas na ito kung magiging balanse o hindi ang
|
|
alokasyon ng mga pangkapwang pagtatasa sa klase. Ang terminong
|
|
"balanse" dito ay tumutukoy sa kung ilang ulit ipamamahagi ang
|
|
bawat ipinasa para tasahin (ng kapwa mag-aaral). Kapag inilagay sa SERO
|
|
ang Antas ng Lagpas na Alokasyon, lahat ng ipinasa ay ipamamahagi nang
|
|
pareparehong ulit, alalaong baga'y, balanse ang alokasyon. Kapag
|
|
inilagay sa ISA ang Antas, ang ilan sa mga ipinasa ay maaaring
|
|
maipamahagi ng isang beses na mas marami kaysa iba pang alokasyon
|
|
(gayundin maaaring may ilang ipinasa na maipapamahagi ng isang beses na
|
|
mas kaunti kaysa sa ibang alokasyon), alalaong baga'y hindi balanse ang
|
|
alokasyon. Gayundin kung ang Antas ay inilagay sa DALAWA, mas malaki
|
|
ang magiging dipagkakapantay ng alokasyon.
|
|
</p>
|
|
|
|
<p>Ang ideyal ay dapat balanse ang lahat ng pangkapwang pagtatasa.
|
|
Gayunpaman, ang kahinaan nito ay may ilang mag-aaral na hindi
|
|
magkakaroon ng buong kota ng ipinasa na tatasahin hangga't HINDI
|
|
naipapasa ng huling mag-aaral ang gawa niya. Kapag inilagay sa ISA ang
|
|
Antas ng Lagpas na Alokasyon, makukuha ng karamihang mag-aaral ang buong
|
|
"kota" nila ng mga ipinasa na dapat tasahin, at <b>hindi</b>
|
|
na nila kailangang maghintay ng huling ipinasa. Mas madalang ang
|
|
paghihintay sa mga huling ipinasa kapag ang antas ay itinakda sa DALAWA.
|
|
</p>
|
|
|
|
<p>Kaya sa isang Pangworkshop na takdang-aralin, kung saan ang bilang ng
|
|
pangkapwa na pagtatasa ay isinet sa 5, at hindi pinoproblema na
|
|
matatasa (ng kapwa) ang ilang ipinasa ng 4 na ulit, ilan ay 5 ulit at
|
|
ang iba pa ay 6 na ulit, mas magiging madulas ang "pagdaloy"
|
|
ng takdang-aralin at hindi na kakailanganin ng mga mag-aaral na
|
|
maghintay ng napakabang panahon (kung may hihintayin nga sila) para
|
|
makapagpasa ng gawa nila ang iba kung ang Antas ng Lagpas na Alokasyon
|
|
ay binago mula sa default nitong halaga na SERO at ginawang ISA.
|
|
</p>
|