96 lines
5.1 KiB
HTML
96 lines
5.1 KiB
HTML

Estratehiya sa Pagmamarka

Maraming uri ng paraan ng pagmamarka na magagamit sa isang

pangworkshop na takdang-aralin. Ang mga ito ay:

Walang marka: Sa ganitong klase ng takdang-aralin, hindi

interesado ang guro sa kantitatibong pagtatasa mula sa mga mag-aaral.

Magbibigay ng mga opinyon ang mga mag-aaral sa mga gawa pero hindi nila ito

mamarkahan. Pero puwedeng markahan ng guro ang mga opinyon ng mga

mag-aaral kung gugustuhin niya. Ang mga "marka ng pagmamarka" na

ito ang magiging batayan ng huling marka ng mga mag-aaral. Kung hindi

bigyan ng marka ng guro ang mga pagtatasa ng mag-aaral, ang

takdang-aralin ay walang anumang huling marka.

Padagdag na pagmamarka:

Ito ang default na uri ng pagmamarka. Sa ganitong uri ng

takdang-aralin, ang marka ng bawat pagtatasa ay binubuo ng ilang

"elemento ng pagtatasa". Kailangang sumaklaw ng isang

partikular na aspekto ng takdang-aralin ang bawat elemento. Karaniwan,

ang isang takdang-aralin ay may 5 hanggang 15 elemento para sa mga

opinyon at marka; ang aktuwal na bilang ay depende sa laki at

kasalimuotan ng takdang-aralin. Ang pangkapwang takdang-aralin na may

iisang elemento ay pinapahintulutan at ang estratehiya nito sa pagtatasa

ay katulad din ng istandard na Takdang-aralin ng Moodle.

Ang mga elemento ay mayroong tatlong katangian na sumusunod:

DESKRIPSIYON ng elemento ng pagtatasa. Dapat nitong ipahayag nang

malinaw kung anong aspekto ng takdang-aralin ang tinatasa. Kung

kalitatibo ang pagtatasa, makakatulong na magbigay ng mga detalye kung

ano ang itinuturing na pinakamagaling, katamtaman, at mahinang klase.

ISKALA ng elemento ng pagtatasa. Maraming yarî nang iskala.

Mayroong simpleng OO/HINDI na iskala, maraming puntos na iskala, at ganap na

deporsiyentong iskala. Ang bawat elemento ay may sarili nitong iskala

na dapat piliin alinsunod sa bilang ng posibleng pagkakaiba-iba ng elementong

iyon. Tandaan na HINDI itinatakda ng iskala ang kahalagahan ng

elementong iyon sa pagkuwenta ng pangkalahatang marka, ang isang

dalawang punto na iskala ay may parehong "impluwensiya" ng 100

puntong iskala, kung pareho ang timbang ng mga elementong ito...

TIMBANG ng elemento ng pagtatasa. Ang default ay parepareho ang

ibinigay na importansiya sa mga elemento kapag kinuwenta na ang

pangkalahatang marka para sa takdang-aralin. Maari itong baguhin sa

pamamagitan ng pagbibigay ng timbang na mas malaki sa isa sa mas

importanteng elemento, at timbang na mababa sa isa para sa hindi gaanong

importanteng elemento. Ang pagbabago ng mga timbang ay HINDI

makakaapekto sa maksimum na marka, ang halagang ito ay ipinirmi na ng

parameter na Maksimum na Marka ng pangkapwang takdang-aralin. Maaring

bigyan ng negatibong halaga ang mga timbang; ito ay katangiang

eksperimental pa lamang.

Error Banded na Pagmamarka:

Sa ganitong uri ng takdang-aralin, ang mga ipinasa ay minamarkahan

alinsunod sa isang set ng OO/HINDI na iskala. Ang marka ay kinikuwenta

sa pamamagitan ng "Manghad ng Marka" na nagbibigay ng relasyon

ng bilang ng "error" at ng mungkahing marka. Halimbawa, ang

isang takdang-aralin ay maaaring may anim na makabuluhang aytem na

kailangang presente, Ibibigay ng Manghad ng Marka ang mga mungkahing

marka kung lahat ay presente, isa ang nawawala, dalawa ang nawawala,

atbp. Puwedeng bigyan ng timbang ang mga indibidwal na aytem kung ang

ilang aytem ay mas mahalaga kaysa sa iba. Ang bilang ng

"error" ay isang tinimbangang kabuuan ng mga aytem na

nawawala. Ang default ay binibigyan ang bawat aytem ng timbang na isa.

Maaring hindi linear ang manghad ng pagmamarka, halimbawa ang mga

mungkahing marka ay maaaring 90%, 70%, 50%, 40%, 30%, 20%, 10%, 0%, 0%,

0% para sa isang takdang-aralin na may 10 aytem. Maaring i-adjust ng

tagasuri ang mga mungkahing marka ng hanggang 20% pataas man o

pababa upang makuwenta ang huling marka ng ipinasa.

Pagmamarka na ayon sa Pamantayan:

Ito ang pinakasimpleng uri ng pagstatasa na mamarkahan (bagamat hindi

pinakamadali na isaayos). Ang mga ipinasa ay minamarkahan alinsunod sa

isang set ng pahayag na pamantayan. Pinipili ng tagatasa ang pahayag na

pinakaangkop sa isang gawa. Ang marka ay nakukuwenta sa pamamagitan ng

"Manghad ng Pamantayan" na nagbibigay ng mungkahing marka para

sa bawat pamantayan. Halimbawa, maaaring iset-up ang isang

takdang-aralin na may limang pahayag na pamantayan at ang mga tagasuri ay

kailangang pumilì ng isa mula sa limang pahayag para sa bawat isa sa mga

pagtatasa nila. Tulad din ng Banded na takdang-aralin, puwedeng

i-adjust ng tagasuri ang iminumungkahing marka nang hanggang 20% upang

makuha ang huling marka.

Rubric Katulad ito ng Pagmamarka ayon sa Pamantayan, maliban sa marami itong

set ng pamantayan. Ang bawat set na sumasaklaw sa isang partikular na "Kategoriya",

ay maaaring magkaroon ng hanggang limang pahayag. Ang mga set ay binibigyan ng indibidwal

na timbang at ang marka ay isang tinimbangan na kombinasyon ng mga iskor mula sa bawat set.

Walang opsiyon sa pag-aadjust sa uring ito ng pagtatasa.