33 lines
1.6 KiB
HTML
33 lines
1.6 KiB
HTML

Marka ng mga Pagtatasa ng Mag-aaral

Ito ang maksimum na marka na ibinigay sa pagtatasa ng mga mag-aaral

sa sarili nilang gawa o gawa ng iba. Alalaong baga'y, ang marka ng mga

pagtatasa. Ang aktuwal na marka para sa pagtatasa ay kinukuwenta ng

modyul na workshop sa pamamagitan ng paghahambing ng pagtatasa sa

"pinakamahusay"na pagtatasa sa iisang ipinasa. Ang

"pinakamahusay" na pagtatasa ay ang pinakamalapit sa mean ng

lahat ng pagtatasa. (Ito ay "tinimbangan" na mean kung ang

pagtatasa ng guro ay binigyan ng timbang na mas malaki sa isa.) Tandaan

na kung may iisa lamang na pagtatasa ng isang ipinasa, ang iisang

pagtatasa na ito ang ituturing na pinakamahusay. Kung may dalawang

pagtatasa para sa isang ipinasa, pareho itong ituturing na

"pinakamahusay". Tanging kung may dalawa o mahigit pang

pagtatasa lamang nagsisimulang pag-ibahin ng modyul ang mga pagtatasa.

Ang markang ito ay tinatawag minsan na "marka ng

pagmamarka" at hindi ang maksimum na marka na

ibinigay sa gawa, ang marka na ito ay tinatawag na

"Marka para sa Ipinasa".

Ang marka ng mag-aaral para sa workshop ay ang kabuuan ng markang ito

at ang marka para sa kanilang (mga) ipinasa. Kaya kung ang (maksimum)

na marka para sa Pagtatasa ng Mag-aaral ay nakatakda sa 20 at ang

(maksimum) na marka para sa ipinasa ay nakatakda sa 80, ang (maksimum)

na marka para sa workshop ay 100.

Ang halagang ito ay maaaring mabago anumang oras at ang epekto nito

sa marka ay makikita kaagad ng mga mag-aaral (at guro).