Files
moodle/lang/tl/help/workshop/elements.html
T
2005-06-03 17:17:15 +00:00

89 lines
4.8 KiB
HTML

Mga Elemento ng Takdang-Aralin

Para mapadali ang pagmamarka, ang Takdang-aralin ng Workshop ay dapat
may sapat na bilang ng mga "Elemento ng Pagtatasa". Ang bawat
elemento ay dapat sumaklaw sa isang partikular na aspekto ng
takdang-aralin. Ang karaniwang bilang ng elemento ng takdang-aralin ay
sa pagitan ng 5 hanggang 15 elemento para sa mga puna at pagmamarka, ang
aktuwal na bilang ay nakasalalay sa laki at kasalimuutan ng
takdang-aralin. Pinapahintulutan ang pangkapwang takdang-aralin na may
iisang elemento at may ganito ring estratehiya ng pagtatasa sa istandard
na Moodle na Takdang-Aralin.

Ang uri ng mga elemento na nakasalalay sa estratehiya ng pagmamarka
ng takdang-aralin.

Hindi Mamarkahan.
Ang mga elemento ay deskripsiyon ng mga aspekto ng takdang-aralin. Ang
nagsusuri ay hihilinging magbigay ng opinyon sa bawat isa sa mga aspektong ito.
Tulad din ng iba pang estratehiya ng pagmamarka, may lugar din para sa
pangkalahatang opinyon.

Padagdag na Pagmamarka.Ang mga elemento ay may sumusunod
na tatlong katangian:

Ang DESKRIPSIYON ng elemento ng pagtatasa. Dapat ay malinaw na
sinasabi rito kung anong aspekto ng takdang-aralin ang tinatasa. Kung
ang pagtatasa ay kalitatibo, makakabubuti na magbigay ng mga detalye
kung anong bagay ang itinuturing na pinakamagaling, katamtaman, at
mahinang klase.

Ang ISKALA ng elemento ng pagtatasa. May ilang yarî nang iskala.
Sa isang bandá ay may simpleng Oo/Hindi na iskala, mayroon ding
maraming-puntos na iskala, at sa kabilang banda ay ganap na deporsiyentong
iskala. Ang bawat elemento ay may kanya-kanyang iskala, na dapat piliin
ayon sa kaangkupan nito sa posibleng pagkakaiba-iba ng elementong iyon.
Tandaan na ang iskala ay HINDI nagtatakda ng kahalagahan ng elemento sa
pagkuwenta ng pangkalahatang marka, ang isang dalawahang punto na iskala
ay may parehong "impluwensiya" ng isang 100 puntong iskala
kung ang mga elemento ay magkapareho ng timbang...

Ang TIMBANG ng elemento ng pagtatasa. Ang default ay may
pare-parehong importansiya ang mga elemento kapag kinuwenta na ang
pangkalahatang marka ng takdang-aralin. Maaari itong baguhin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mas mabigat na timbang na higit sa isa (1)
sa mas importanteng elemento, at mas mababa sa isa sa hindi gaanong
importanteng elemento. Ang pagbabago ng mga timbang ay HINDI
nakakaapekto sa maksimum na marka, ang halagang ito ay ipinipirmi ng
Maksimum na Markang parameter. Ang mga timbang ay maaaring bigyan ng
negatibong halaga; ito ay isang eksperimental na katangian.

Error Banded na Pagmamarka. Karaniwan na maglalarawan ang mga
elemento ng mga partikular na aytem o aspekto na kailangang presente sa
takdang-aralin. Ang pagtatasa ay ginagawa ayon sa kung naroroon o wala
ang mga aytem o aspektong ito. Kailangang iset ng guro ang lahat ng
manghad ng marka na magbibigay ng mga mungkahing marka kung ang lahat ng
aytem ay presente, kung wala ang isa, kung wala ang dalawa, atbp. Kung
ang ilang aytem ay mas importante kaysa sa iba pa ang mga aytem na ito
ay maaaring bigyan ng mas mabigat na timbang, alalaong baga'y higit sa
isa (1). Ang mga menor na aytem ay maaaring bigyan ng timbang na mas
mababa sa isa. Ang pangkalahatang "error" ay ang tinimbangang
kabuuan ng mga nawawalang aytem. Maaari namang dagdagan o bawasan ng
kaunti ng nagsusuri ang mga mungkahing marka.

Pagmamarka ayon sa Pamantayan.
Ang mga elemento ay magbibigay ng
set ng "antas" na mga pahayag na maaaring gamitin sa
pagrarank ng mga takdang-aralin. Ang mga pahayag ay maaaring
padagdag o ang bawat isa ay tumitindig sa sarili.
Kailangang pagpasyahan ng nagsusuri kung aling pahayag ang mas angkop sa
bawat gawa. Kailangan ding iugnay ng guro ang bawat pamantayan na
pahayag sa isang mungkahing marka. Karaniwan ay dapat itong
sunod-sunod. Maaari namang dagdagan o bawasan ng
kaunti ng nagsusuri ang mga mungkahing marka.

Rubric na Pagmamarka. Kamukha ito ng
Pagmamarka ayon sa Pamantayan, nguni't higit sa isa ang pamantayan. Ang
bilang ng pamantayan ay ibinibigay sa mga parameter ng takdang-aralin.
Ang bawat pamantayan ay maaaring magkaroon ng hanggang limang "antas"na
pahayag. Sa isang ibinigay na takdang-aralin ang bilang ng mga antas ay
maaaring magbago sa bawat pamantayan. Kapag nag-aayos ka ng pamantayan,
ang blangkong antas na pahayag ay maghuhudyat ng katapusan ng mga antas
ng pahayag. Kaya ang ilang pamantayan ay maaaring magkaroon ng dalawng
antas, ang iba ay tatlo, o hanggang limang antas. Maaaring lagyan ng
timbang ang mga pamantayan. Ang mga antas ay iniiskoran ng 0, 1, 2
hanggang 4. Ang marka para sa pagtatasa ay ang tinimbangang kabuuan ng
mga iskor na ito.