Files
moodle/lang/tl/help/exercise/managing.html
T
2005-06-03 17:17:15 +00:00

123 lines
6.4 KiB
HTML

Pamamahala ng Pang-ehersisyong Takdang-aralin

Ang Pang-ehersisyong Takdang-aralin ay mas masalimuot kaysa sa ordinaryong
takdang-aralin. May tatlong hakbang ito o bahagi. Ito ay ang mga sumusunod:

Iayos ang Ehersisyo Mapapadali ang pagtatasa ng gawa na nalikha sa ehersisyo
kung hahatiin ang pagtatasa ng takdang-aralin sa ilang ELEMENTO ng
pagtatasa. Nababawasan nito ang panghuhula ng marka at binibigyan ng
balangkas ang mga mag-aaral na mapagbabatayan nila ng pagtatasa.
Tungkulin ng guro na isaayos ang mga elemento ng pagtatasa, na siya ring
magiging markahan. (Tingnan ang pahinang iyon para sa detalye.)

Kapag naisaayos na ang guro ang mga elementong pantasa, kailangan
niyang magpasa ng Dokumentong Word o file na HTML na naglalarawan ng
ehersisyo o gawain na gagampanan ng mga mag-aaral. Ang file na ito ay
ipapakita sa mga mag-aaral sa ikalawang hakbang ng ehersisyo.

Kung ibig ng guro, maaari silang maghanda ng set ng magkakatulad
na ehersisyo, mulî ay mga Dokumentong Word o file na HTML, at iaplowd
ang mga ito sa Ehersisyo. Tandaan naang mga ehersisyong ito ay dapat
magkakamukha dahil iisang Form na Pantasa ang gagamitin sa lahat ng anyo
nito. Ang pagpapasa ng maraming set ng ehersisyo ay opsiyonal para sa
guro, at maaaring hindi angkop sa ibang takdang-aralin.

Pahintulutan ang Pagtatasa at Pagpapasa ng mga Mag-aaral
Bukas na ngayon ang takdang-aralin sa mga mag-aaral. Kung nagsaayos ng
maraming ehersisyo ang guro, makakakita ang mga mag-aaral ng iba-ibang
ehersisyo, kundi ay iisang ehersisyo ang makikita ng lahat ng mag-aaral.

Bago makapagpasa ng gawa nila ang mag-aaral ay kailangan munang
kumpletohin niya ang form na pantasa. Kapag nakumpleto na nila ito,
papakitaan sila ng form na pang-aplowd. Puwedeng baguhin ng mag-aaral
ang ginawa nila alinsunod sa ginawa nilang pagtatasa sa sarili.

Kapag naipasa na ang gawa ng mag-aaral, matatasa na ito ng guro. ang
link na "Mga Ipinasa ng Mag-aaral para Tasahin" ay magpapakita
ng pahina na nagpapakita ng mga gawa na hindi pa natatasa. Ang
pinakamatandang ipinasa ay nasa tutok ng pahina. Ang form na pantasa
para sa bawat isa sa mga ipinasang ito ay nakabatay sa simula sa
pagtatasa ng mga estudyante sa sarili nilang gawa. Mababago ng guro ang
mga pagtatasang ito at makapagdaragdag ng opinyon. Sa dulo ay may
dalawang buton na puwedeng gamitin ng guro sa pagpapasiya kung
pahihintulutan nilang muling makapagpasa ang mag-aaral ng gawa nila o
hindi na.

Kapag nagpasiya ang guro na pahintulutang muling makapagpasa nag mga
mag-aaral at ginawa naman nila, ipapakita sa guro ang bagong gawa. Sa
kasong ito ang laman ng form na pantasa ang ang dating pagtatasa ng
guro. Ang parehong opsiyon, muling ipasa o hindi, ay nagpapahintulot sa
guro na kontrolin ang pag-ikot ng muling pagpapasa at pagtatasa. Kapag
pinahintulutan ang mga estudyante na magpasa ng maraming bersiyon ng
gawa niya sa Ehersisyo, dapat pagpasiyahan ng guro kung ibabatay ang
huling marka sa maksimum na marka ng mag-aaral o sa katamtamang marka ng
set ng ipinasa. Mababago ang opsiyong ito anumang oras sa panahon ng
Ehersisyo sa pamamagitan ng pagbabago ng Ehersisyo. Ang epekto nito ay
dagliang makikita sa pahina ng Marka.

Kapag naabot na ang huling araw ng pasahan, maaari pa ring ipasa o
muling ipasa ng mag-aaral ang ginawa niya. Ang likha ay lalagyan ng
watawat na "hulí". Lilitaw ang gawang ito sa listahan ng mga
gawa na kailangang tasahin, at kung ibig ng guro ay puwede niyang
tasahin sa normal na paraan. Sa iba-ibang listahan ng mga ipinasa, ang
petsa ng pagkakapasa nito ay ipapakita na may kulay pula (at kulay pula
rin ang petsa simula nang ipasa ito sa listahan ng mga gawa na
mamarkahan). Kapag namarkahan na, ang marka ng nahulíng gawa ay kulay
pula at nakapaloob sa mga bracket. Ang mga ganitong marka ay
hindi ginagamit sa pagkuwenta ng mga huling marka at hindi
isinasama sa mga pahina ng Marka. Matatanggal ng guro ang watawat ng
pagkahulí sa pamamagitan ng pagtungo sa pahinang pang-Administrasyon at
pagklik sa nagkop na link. Pagkatapos nito ang gawa ay gagamitin na sa
pagkuwenta ng huling marka.

Ipakita ang Pangkalahatang Marka at ang Panligang Manghad
Sa katapusang hakbang na ito ng Ehersisyo, makikita na ng mga mag-aaral
ang kanilang mga "hulíng" marka. Sa lahat ng hakbang ng
Ehersisyo (maliban sa unang hakbang), ang mga marka ay makikita ng mga
mag-aaral, subali't pawang "bahagi" lamang ito ng kabuuang
marka, dahil kinukuwenta ito kaagad mula sa mga pagtatasa na mayroon na.

Sa katapusang hakbang na ito, hindi na puwedeng magpasa ng
anuman ang mga mag-aaral. Sa madaling salita, sarado na ang
takdang-aralin at puwedeng ipakita ng guro sa mga mag-aaral ang mga
pinakamahusay na gawa na ipinasa bilang halimbawa...

Ang mga mag-aaral (at ang guro) ay maaari ring pakitaan ng
"Panligang Manghad" ng mga ipinasa ng mag-aaral. Nakalista
ang mga ipinasa rito alinsunod sa marka, ang pinakamahusay na ipinasa
ang nasa tuktok. dito ang marka na ibinigay sa ipinasa ay ang marka
mula sa guro. Kung nagpasa ang mag-aaral ng higit sa isang piraso ng
gawa, tanging ang pinakamahusay na gawa ang ipapakita sa manghad. Kung
ang bilang ng talâ sa manghad ay itinakda sa sero, ang manghad na ito ay
hindi ipapakita.

Ang marka ng mag-aaral para sa Ehersisyo ay ang kabuuan ng kanilang
marka ng pagmamarka ng (unang) pagtatasa, at ang marka ng (mga) ipinasa
nila. Ang maksimum na halaga para sa mga markang ito ay ibinibigay
kapag isinaayos ang Ehersisyo. Magkagayunman, ang mga maksimum na
halagang ito ay maaaring baguhin (sa pamamagitan ng pagpapanibago ng
Ehersisyo) anumang oras sa panahon ng ehersisyo, at ang mga markang
ipinakita sa mga mag-aaral at guro ay palaging sasalamin sa kasalukuyang
maksimum na mga halaga.

Sa alinmang hakbang sa takdang-aralin, maaaring buksan ng guro ang
pahinang "Pang-administrasyon". Inililista nito ang mga pagtatasa ng
mag-aaral (ng sarili ilang gawa) at ang mga ipinasa ng mag-aaral.
Magagamit ng guro ang pahinang ito sa pagtatasa at muling pagtatasa ng
ipinasa, pagmamarka at muling pagmamarka ng pagtatasa, pagbura ng
ipinasa at pagtatasa, at pangkalahatang pagsubaybay sa progreso ng
takdang-aralin.