Files
moodle/lang/tl/help/exercise/administration.html
T
2005-06-03 17:17:15 +00:00

43 lines
2.2 KiB
HTML

Pahinang Pang-administrasyon

Pinapahintulutan ng pahinang ito ang guro na makita ang isa o mahigit
pang deskripsiyon para sa Ehersisyo, ang pagtatasa ng mga mag-aarla at
ang ipinasa ng mga mag-aaral. Ang mga aytem na ito ay maaaring baguhin
ang pamagat, tingnan o burahin sa pamamagitan ng iba't-ibang link sa
pahina. Ipinapakita rin ng pahina kung aling mga gawa ang ipinasa
pagkatapos ng huling oras ng pasahan, alalaong baga'y iyong mga nahulí.

Ipinapakita ng unang manghad sa screen na ito ang (mga) ipinasa ng
guro. Ang karaniwan ay isa lamang ito. Ito ang deskripsiyon ng
ehersisyo, karaniwan ay naglalaman ito ng mga panuto sa kung anong gawa
ang dapat gawin. Kung nagpasa ang guro ng mahigit sa isang
deskripsiyon, ililista ito rito. Tandaan na kapag tumatakbo na ang
Ehersisyo, HINDI dapat burahin ang mga ipinasang ito.
Magkagayunman, ligtas na burahin ang ipinasa ng guro habang ang
Ehersisyo ay nasa hakbang ng Pagsasaayos pa lamang.

Ipinapakita ng ikalawang manghad ang (unang) pagtatasa ng mag-aaral
sa sarili nilang gawa. Ipinapakita nito ang markang ibinigay ng
mag-aaral sa sarili nilang gawa. Kung tinasa na ng guro ang gawa,
ipapakita rin ng manghad na ito ang "marka sa pagmamarka" na
iginawad sa pagtatasang ito. Ipinapakita ng markang ito kung gaano
kalaki ang pagkakasundo ng pagtatasa ng mag-aaral sa pagtatasa ng guro.
Maaaring tingnan ang pagtatasa ng mag-aaral. May link sa pahinang iyon
para sa pagbabago ng marka sa pagmamarka kung naisin ng guro.

Inililista ng ikatlong manghad ang mga ipinasa at ang mga marka nito
kung tinasa na ng guro. Ang mga ipinasa ay maaaring muling tasahin o
ligtas na burahin. Kapag may asterisk (*) ang ipinasa, nangangahulugan
ito na pinahihintulutan ang mag-aaral na magpasa ng isa pang gawa. Para
sa isang partikular na mag-aaral, ang opsiyong ito ay madaling mababago
sa pamamagitan ng muling pagtatasa ng ipinasa nila at pagklik sa angkop
na buton sa ibaba ng pahinang pantasa, ang pagtatasa mismo ay hindi na
kailangang baguhin. Ang nahulíng ipinasa ay ipinapakita na may petsa na
kulay pula. Ang watawat ng pagkahulí ay maaaring mabura sa pamamagitan
ng pagklik sa link.