file moreinfo.html was added on branch MOODLE_15_STABLE on 2005-06-03 17:17:06 +0000

This commit is contained in:
moodler
2005-06-02 02:46:17 +00:00
parent 09be6630de
commit 0ef063825f
-109
View File
@@ -1,109 +0,0 @@
<img alt="" src="<?php echo $CFG->wwwroot?>/mod/exercise/icon.gif" />&nbsp;<b>Ehersisyo</b>
<p>Ang Ehersisyo ay isang payak subali't makapangyarihang
takdang-aralin. Sa ehersisyo, hinihiling ng guro na gumawa ng isang
praktikal na gawain ang mag-aaral. Maaari itong pagsusulat ng sanaysay
o isang ulat, paghahanda ng presentasyon, o paggawa ng spreadsheet,
atbp. Kapag natapos na ng mag-aaral ang gawain, kailangan muna nilang
tasahin ang sarili nilang gawa bago ito ipasa sa guro. Pagkatapos
maipasa, tatasahin naman ng guro ang ginawa ng mag-aaral sa pamamagitan
ng pantasang form na ginamit din ng mag-aaral. Maaaring magbigay ng
puna ang guro sa mag-aaral at hilingin ang mag-aaral na paunlarin ang
gawa at mulî itong ipasa o huwag na. Ang huling marka ay nakasalalay sa
kung gaano kagaling tinasa ng mag-aaral ang ginawa niya at sa gawa
mismo.
</p>
<p>Bago magsimula ang ehersisyo isinasaayos muna ito ng guro sa
pamamagitan ng
<ol> <li>Paglikha ng dokumentong Word o file na HTML na nagpapakilala ng
ehersisyo at nagsasabi sa mga mag-aaral kung ano ang dapat nilang
likhain. Inaaplowd ang file na ito sa ehersisyo ng guro.
</li>
<li>Pagdaragdag ng mga elementong teksto at pagpili ng mga opsiyon sa
Pantasang Form. Ang form na ito ay ginagamit ng mag-aaral at ng guro sa
pagtasa ng gawa na nalikha sa ehersisyo. Maraming uri ng pagtatasa na
magagamit (tingnan ang tulong sa &quot;Estratehiya sa
Pagmamarka&quot;).</li>
</ol></p>
<p>Sa malalaking klase, maaaring maibigan ng guro na lumikha ng higit sa
isang bersiyon ng ehersisyo. Nakapagdadagdag ng naiibang karanasan ang
mga ibang anyo ng ehersisyo na ito sa aktibidad at nagtitiyak na
magkakaiba ang ginagawang gawain ng mga mag-aaral sa ehersisyo.
Ipinamamahagi ang mga ito sa mga mag-aaral nang random nguni't balanseng
paraan. Tatanggap lamang ng isang ehersisyo ang bawat mag-aaral nguni't
ang dami ng beses na ibinigay ang bawat anyo ng ehersisyo sa klase ay
humigit-kumulang pantay-pantay. Tandaan na hindi dapat masyadong
magkakaiba ang mga anyo ng ehersisyo dahil iisang pantasang form ang
gagamitin sa lahat ng anyo.
</p>
<p>Kapag naayos na ang (mga) deskripsiyon ng ehersisyo at ang pantasang
form, bubuksan na ang takdang-aralin sa mga mag-aaral. Papakitaan sila
ng deskripsiyon ng bawat ehersisyo o gawain. Kapag natapos na nila ang
ehersisyo kailangan nilang tasahin ang sarili nilang gawa (gámit ang
ihinanda nang pantasang form) bago nila maipasa ang gawa nila sa guro.
Magagamit ang pantasang form na &quot;checklist&quot; ng mga mag-aaral.
Maaari nila, kung ibig nila, na baguhin ang kanilang ginawa at ang
pagtatasa bago nila ipasa ang gawa, at marahil ay dapat silang ganyakin
na ganito ang gawin!
</p>
<p>Kapag naipasa na ng mag-aarla ang gawa nila at pagtatasa, magagamit
na ito ng guro. Papasukin ng guro ang gawa (gamit ang pagtatasa ng
mag-aaral bilang umpisa) at gagawa siya ng desisyon kung hihilingin ang
mag-aaral na ipasa mulî ang isang pinaunlad na bersiyon ng gawa o huwag
na.
</p>
<p>Kung sa palagay ng guro ay mapapaunlad pa ang gawa ng mag-aaral,
maaring bigyan ng oportunidad ang mag-aaral na muling magpasa. Kapag
ginawa ito ng mag-aaral, muling tatasahin ng guro ang gawa gamit ang
pantasang form na naglalaman ng mga marka at opinyon na ibinigay niya sa
mag-aaral sa naunang ipinasa. Kaya, ang muling pagtatasa ay pagbabago
ng form alinsunod sa naging pagbabago sa ginawa ng mag-aaral sa halip na
muling pagtatasa sa umpisa.
</p>
<p>Kapag umabot na sa huling oras ng pagpapasa ang ehersisyo, puwede pa
ring magpasa ang mga mag-aaral. Gayunpaman, ang mga gawang ito ay
lalagyan ng watawat na &quot;huli&quot; Kung ibig ng guro, puwede
niyang markahan ang gawa at magbigay ng pun sa mga mga-aaral. Ang mga
marka ng huling gawa ay isinasantabi at <b>hindi</b> ginagamit sa
pagkuwenta ng mga huling marka. Kung, sa anumang dahilan, ay gusto ng
guro na tanggapin ang isang huling gawa na parang normal na gawa,
maaalis niya ang watawat na huli sa pamamagitan ng pagtungo sa pahinang
Pang-administrasyon, hanapin ang ipinasa at iklik ang angkop na link.
Pagkatapos nito ang marka ay gagamitin na sa pagkuwenta ng huling marka.
</p>
<p>Kapag namarkahan na ang lahat ng ipinasa, dadalhin na ang ehersisyo
sa huling hakbang. Hindi na pahihintulutan ang pagpapasa ng mag-aaral.
Makikita na ng mga mag-aarla ang mga huli nilang marka kasama ang mga
marka na ibinigay sa kanilang (mga) ipinasa. Ang marka ng mag-aaral
para sa ehersisyo ay ang kabuuan ng &quot;marka sa pagmamarka&quot;,
isang sukat ng pagkakasundo ng pagkakatasa ng mag-aaral at ang
pagkakatasa ng guro sa (unang) ipinasa ng mag-aaral; at ang (mga) marka
ng guro sa (mga) ipinasa ng mag-aaral. (Ang marka na ibinigay ng
mag-aaral sa kanilang pagtatasa ay <b>hindi</b> ginagamit.)
</p>
<p>Kapag pinahintulutan ng guro ang mga mag-aaral na muling magpasa ng
gawa, dapat isipin ng guro kung paano isasaayos ang opsiyon na
nagkokontrol kung paaano kukuwentahin ang huling marka mula sa maraming
ipinasa. Pinapahintulutan ng opsiyon na ito ang guro na piliin kung ang
katamtamang marka ng mga ipinasa ng mag-aaral o ang pinakamahusay nilang
ipinasa ang gagamitin. Maaaring baguhin ang opsiyong ito anumang oras
at ito ay may dagliang epekto sa screen ng marka.
</p>
<p>Sa huling hakbang ng ehersisyo, makakakita rin ang mga mag-aaral ng
isang &quot;Panligang Manghad&quot; ng kanilang mga ipinasa. Listahan
ito ng mga ipinasa nila, ang ipinasang may pinakamataas na marka ang
nasa tuktok. Kapag maraming ipinasa, tanging ang pinakamahusay na
ipinasa ng mag-aaral ang ipapakita sa listahang ito.
</p>