diff --git a/lang/tl/help/workshop/agreeassessments.html b/lang/tl/help/workshop/agreeassessments.html
deleted file mode 100644
index cd410e37e45..00000000000
--- a/lang/tl/help/workshop/agreeassessments.html
+++ /dev/null
@@ -1,36 +0,0 @@
-
Pagsang-ayon sa mga Pagtatasa
-
-Maaaring magkaroon ng alinman sa mga katangiang sumusunod ang mga
-takdang-aralin sa workshop:
-
-
-- Sa hakbang na pagpapasa at pagtatasa, nakikita ng mga mag-aaral
-ang pagtatasang ginawa ng ibang mag-aaral. Walang puna para sa
-mag-aaral na tumasa mula sa mga mag-aaral na nagpasa ng gawa. Alalaong baga'y,
-may isang direksiyon lamang na daloy ng puna sa pagitan ng magkakamag-aral
-hinggil sa anumang gawa.
-
-- Sa hakbang na pagpapasa at pagtatasa, nakikita ng mga mag-aaral ang
-pagtatasang ginawa ng ibang mag-aaral at pinapahintulutan silang
-magbigay ng opinyon hinggil sa mga pagtatasang ito. Puwede silang
-sumang-ayon o tumutol sa pagtatasa (ng kapwa mag-aaral). Kapag
-sumang-ayon sila sa pagtatasa, ang pagtatasa ay mananatili at gagamitin
-sa huling pagkuwenta ng markang ibinigay ng mga kapwa mag-aaral sa
-partikular na gawa. Kung sakali namang, tumutol sila sa pagtatasa, ang
-mag-aaral na gumawa ng pagtatasa ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin
-ito. Ang ikutan ng pagbabago/pagtutol ay maaring magpatuloy hanggang
-magkaroon ng kasunduan o umabot na sa deadline. Ang pagtatasa na
-"pinagtatalunan" pa rin hanggang dumating na ang deadline ay
-hindi gagamitin sa huling pagkuwenta ng marka. Nagbibigay ito ng
-dalawahang direksiyon ng daloy ng mga puna sa pagitan ng magkakamag-aral
-hinggil sa isang gawa.
-
- Kapag ang ikalawang paraan ng pagtatrabaho ang pinili, may opsiyon
-itong puwedeng patayin ang pagdidispley ng mga marka. Alalaong baga'y,
-kung ang "itago ang marka" na opsiyon ay ginamit, tanging ang
-mga opinyon sa pagtatasa ang ipapakita sa mag-aaral na may-ari ng gawang
-tinatasa. Ang marka ay ipapakita lamang matapos magkaroon ng
-pagkakasundo (sa mga opinyon lamang). Tandaaan na ang opsiyong ito ay
-epektibo lamang kung itakda na dapat magkaroon ng pagkakasundo sa mga
-pagtatasa.
-