Pag-aUpload ng mga user
Una, tandaan na hindi naman talaga kailangang mag-importa ng mga user ng maramihan - upang mabawasan ang gawain mo sa pagmementina, dapat ay pag-aralan mo muna ang ibang anyo ng pagsusuri ng pagkakakilanlan na hindi nangangailangan ng mano-manong pagsasaayos. Tulad ng pagkonekta sa yari nang panlabas na database o pagpapahintulot sa mga user na lumikha ng sarili nilang account. Tingnan ang seksiyon hinggil sa Awtentikasyon (Pagsusuri sa pagkakakilanlan) sa mga admin menu.
Kung talagang nais mong mag-importa ng maramihang user account mula sa isang text file, kakailanganin mong ipormat ang text file mo ng paganito:
Mga kinakailangang fieldname: ang mga field na ito ay kailangang isama sa unang record, at bigyang kahulugan ayon sa bawat user
username, password, firstname, lastname, emailMga default na fieldname: opsiyonal ang mga ito - kapag hindi ito isinama, ang mga halaga ay kukunin sa pangunahing admin
institution, department, city, country, lang, timezone
Mga opsiyonal na fieldname: ganap na opsiyonal ang mga ito. Ang mga pangalan ng kurso ay ang "maiikling panglan" ng mga kurso - kung mayroon nito, ang user ay ieenrol bilang mag-aaral sa mga kursong itinakda. Ang mga pangalan ng pangkat ay dapat kaugnay ng angkop na kurso, a.b. pangkat1 sa kursong1, atbp.
idnumber, icq, phone1, phone2, address, url, description, mailformat, maildisplay, htmleditor, autosubscribe, course1, course2, course3, course4, course5, group1, group2, group3, group4, group5
Halimbawa ng isang balidong file na pang-importa:
username, password,
firstname, lastname, email, lang, idnumber, maildisplay, course1,
group1
jonest, verysecret, Tom, Jones, jonest@someplace.edu, en,
3663737, 1, Intro101, Section 1
reznort, somesecret, Trent,
Reznor, reznort@someplace.edu, en_us, 6736733, 0, Advanced202, Section
3