Pag-angkat ng mga bagong tanong
Sa pamamagitan ng function na ito, puwede kang mag-import ng mga
tanong mula sa mga external na text file, na iaaplowd sa pamamagitan ng
form na ito.
Maraming file format na sinusuportahan:
Format na GIFT
Format na Aiken
- Ang format na Aiken format isang napakadaling paraan ng paglikha ng maraming-pagpipiliang-sagot na tanong sa pamamagitan ng napakalinaw na format na mababasa ng tao. Narito ang halimbawa ng format:
Ano ang layunin ng first aid?
A. Upang mailigtas ang buhay, maiwasan ang dagdag na pinsala sa katawan, panatilihin ang kalusugan
B. Upang makapagbigay ng lunas na pangmediko sa sinumang nasaktan o nasugatan
C. Upang maiwasan ang pinsala sa katawan
D. Upang matulungan ang mga biktima na humihingi ng tulong
ANSWER: A
- Marami pang impo hinggil sa format na "Aiken"
Nawawalang Salita
- Maraming-pagpipiliang-sagot na tanong lamang ang puwede sa format na ito. Ang
bawat sagot ay pinaghihiwalay sa pamamagitan ng tilde (~), at ang tamang
sagot ay minamarkahan sa unahan ng equals sign (=). Halimbawa:
Sa sandaling pagmasdan natin ang mga bahagi ng ating katawan
noong sanggol pa lamang tayo, tayo ay nagi nang mga mag-aaral ng
{=anatomy at physiology ~reflexology ~siyensiya
~pageeksperimento}, at kung
iisipin ay nananatili tayong mga mag-aaral habambuhay.
- Marami pang impo hinggil sa format na "Nawawalang Salita"
AON
- Katulad din ito ng Nawawalang Salitang Format, maliban na lamang sa
matapos maangkat ang mga tanong, ang lahat ng Maikling-Sagot na tanong ay
ikukumberte ng apat-apat sa mga Tugmaan na Tanong.
- Dagdag pa, ang mga sagot sa mga maraming-pagpipiliang-sagot na tanong ay random na babalasahin habang inaangkat.
- Ipinangalan ito sa isang organisasyon na nag-isponsor ng pagpapaunlad
ng maraming katangian ng mga pagsusulit
Blackboard
WebCT
Course Test Manager
- Ang modyul na ito ay makapag-aangkat ng mga tanong na isinave sa Course Test Manager test bank.
Umaasa ito sa iba't-ibang paraan ng pagpasok sa test bank, na nasa database na
Microsoft Access, depende kung ang Moodle ay tumatakbo sa isang Windows o Linux web server.
- Sa Windows, pinapahintulutan nito kayong iaplowd ang access na database tulad ng anumang file na may datos na aangkatin.
- Sa Linux, kailangan mong magsaayos ng isang makinang windows sa parehong network kung saan naroon ang Course Test Manager na database at isang piraso ng software na tinatawag na ODBC Socket Server, na gumagamit ng XML sa pagsasalin ng datos papunta sa moodle na nasa Linux server.
- Basahin po ang buong pantulong na file sa ibaba bago gamitin ang klase ng pag-aangkat na ito.
- Marami pang impo hinggil sa
format na "CTM"
Naka-embed na sagot (Cloze)
Format na Learnwise
- Ang format na ito ay nakapag-aangkat ng maraming-pagpipiliang-sagot na tanong na isinave sa format na Learnwise's XML.
Format na Moodle XML
- Ang pang-Moodle na format na ito ay nag-aangkat ng mga tanong ng pagsusulit na naunang iniluwas sa pareho nitong format. Ang format ay etso-diretso at mas madaling ipakita sa pamamagitan ng pagluwas ng isang kategoriya sa format na Moodle XML.
Marami pang format na idadagdag, tulad ng WebCT, IMS QTI at anupamang
maiaambag ng mga user ng Moodle!