Pag-aangkat ng file na nasa format na "Aiken"
Ang Aiken na format ay isang napakasimpleng paraan ng paglikha ng tanong na maraming-pagpipiliang-sagot sa pamamagitan ng isang malinaw na format na nababasa ng tao. Narito ang halimbawa ng format:
Ano ang wastong sagot sa tanong na ito? A. Ito ba? B. Baka ito? C. Marahil ay ito? D. Ito siguro! ANSWER: D Aling LMS ang may pinakamaraming format na pang-angkat ng pagsusulit? A) Moodle B) ATutor C) Claroline D) Blackboard E) WebCT F) Ilias ANSWER: A
Dapat ay nasa iisang linya lamang ang buong tanong.
Ang bawat sagot ay dapat magsimula sa isang isahang-titik na karakter, kasunod ay isang tuldok '.' o isang bracket ')', pagkatapos ay isang espasyo.
Ang linya ng sagot ay dapat sumunod kaagad, umpisa sa "ANSWER:" pagkatapos ay ibibigay ang angkop na titik.