Kinabukasan

Habang umuunlad ang Moodle, lalo pang naiimpluwensiyahan ang patutunguhan nito ng pamayanan ng mga debeloper at user. Matatagpuan ang isang dinamikong database ng mga mungkahing katangian at kalagayan ng mga mungkahing ito sa moodle.org/bugs. Katanggap-tanggap ang lahat ng mga ambag ninyo, sa anyo mang ideya, code, puna o promosyon - tingnan ang Manwal ng pagdedebelop para sa dagdag na detalye. Maaari ka ring magbayad para mapaaga ang pagdebelop ng ilang katangian- tingnan ang moodle.com/development para sa impormasyon at sa tantiya ng halaga.

Narito ang kasalukuyan naming inaasahan na kinabukasan ng Moodle, bagama't magbabago pa rin ito depende sa mga isponsor at debeloper.

Bersiyon 1.4 - Agosto 31

Maraming pag-unlad sa istruktura at refactoring ng mga susing modyul ang release na ito. Marami rin itong pag-unlad ng interface. Ang ilan sa mga katangian nito ay:

Bersiyon 1.5 - Sa dulo ng 2004

Bibigyang diin sa lathalang ito ang displey layer at ganap na pagpapasunod sa Moodle sa mga importanteng istandard ng pagpasok sa web tulad ng WAI (W3C), SENDA (UK) at Section 508 (US).

Katulad ng iba pang lathala ng Moodle, magkakaroon din ng maraming bagong katangian at modyul na dinibelop ng pamayanan.

Bersiyon 2.0

Magkakaroon ng mga nakakatuwang pag-unlad ang mahalagang lathalang ito, kabilang ang paggawa sa Moodle na maging network-aware, nang may natural na ebolusyon ng pagbibigay diin ng Moodle sa bayanihan. Dadagdagan pa ang talakayang hinggil dito sa hinaharap.

 

Dokumentasyon ng Moodle

Bersiyon: $Id$